All I can hear is my own breathing, very heavy breathing. Ahhh, so tiring. I didn't expect that I'd do this again after 1 month. Yesss! Jumping rope! I was determined that I'd do it for 10 minutes (with seconds of breaks of course), but it seems that I was wrong. I've only done it for 5 minutes.
And with this, I'll be doing it every night at 8:30. I should see if there could be any slight differences with the time.
)
{ book } Skip Beat & Akaneiro ni Somaru Saka(both are mangas)
Random, Personal Thoughts | Add a Comment
Another korean reality/variety show made me tear up again.
You guys should watch it too. Only if you are interested in korean shows. :D
Really! The MBLAQ boys really nailed this! They're so natural when it comes to taking good care of kids.
Seungho, G.O, Lee Joon, Thunder, Mir, Hwaiting! ♥
{ music } Oh Yeah - MBLAQ
{ book } Magical Girl Kazumi Magica
{ mood } listless
Random, Personal Thoughts, KPOP | Add a Comment
My aunt, uncle, and cousins just got home today, and our dear shih tzu greeted them like he never saw them for so many years when they were just gone for 3 days 
What is it that I'm blogging this time? I won't be enrolling for summer classes this academic year. *sigh* I was longing for taking it this time, but to no luck, I won't be! :[
My aunt told me that her older sister (my godmother) called her and she said that there's a lot of things she's spending on now so she won't be able to pay for my tuition. ARGGGHHH!
What do I do?! I won't be able to take up some courses that I have to take up now.
I hope that some of my friends won't be enrolling this summer so that I have someone to be with next academic year.
{ music } Run - MBLAQ
{ show } MBLAQ @ Maknae Rebellion
{ mood } indifferent
Does anyone still play The Sims by SimCity? Especially the first version of The Sims. I don't know what's got into me, but I really prefer playing the first version of it.
So, if anyone reads this and they still play the Sims 1, please tell me where I can buy/download an installer for the game.
Thank you and god bless. :D
{ music } Diva - After School
{ mood } weird
Buti pa tuwing weekdays medyo konti lang ang tao sa mall. Dahil nga na may pasok ang lahat ng mga estudyante. Pero kahit ganun, may mga estudyante pa rin dito sa mall, karamihan ay nasa computer shop. Ewan ko ba sa mga batang 'to, ang mahal mahal ng bayad sa computer shop (sa mall kasi) tapos ang tagal tagal pa nila doon lagi, halos 2-4 hrs din. Kaya ako nandito ngayon sa mall ay dahil may kailangan akong bilhin. YELLOW PAD. Pano ba naman kasi, tuwing may quiz at seatwork kami sa klase, sa akin lagi humihingi lahat ng kaklase ko. Kaya ayun, naubos agad. E ayoko naman kasi magdamot, ayoko din naman maningil, kaya ako na lang 'tong si bigay ng papel palagi.
Konti lang din ang tao sa bookstore. Makakapagbayad at makakaalis ako kaagad. Buti na lang! May klase kasi ako ng 1PM (11:30AM na), baka kasi mamaya, matrapik pa ako, mabuti na yung maaga akong makarating sa school. Kapag palagi pumupunta ako sa bookstore ang dami dami kong gustong bilhin na ballpen, libro, papel, etc. Nakakatuwa lang kasi, e kaso nga lang, lagi kong sinasakto ang perang pambili ko bago pa ako umalis ng bahay, baka kasi mapagastos pa ako ng wala sa oras.
"Ang cute naman ni Kuya.", sabi ko sa isipan ko nung nakita ko yung kuya na tumitingin ng mga libro. Di masyadong maputi, medyo mas matangkad lang sa'kin ng konti. Pero ang napansin ko talaga sa kanya ay yung mga mata niya. Ang ganda kasi. Type ko kasi talaga yung mga lalaki na maganda ang mga mata, maputi at napakaganda ng kutis. Siguro kung naging babae 'tong si Kuya e, napakagandang babae siguro n'ya.
At dahil sa nakatitig ako sa kanya, napatingin s'ya sa'kin. Nagkatinginan kaming dalawa. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Pero madali akong tumingin sa ibang direksyon, baka kasi kung ano pa ang maisip nito ni Kuya, at madali din akong pumunta sa kabilang section, dun sa Fiction. Bigla akong may narinig na nag-uusap sa likod ng bookshelf. Parang mag-syota ata. At mukang nag-aaway pa! Yung babae ang galit, ang lakas lakas pa ng boses. Pasalamat siya konti pa lang ang tao dito sa bookstore. "Bakit di mo sa'kin sinabi kahapon kung saan ka pupunta?! Alam mo namang nag aalala lang din naman ako sa'yo!" pasigaw na tanong nung babae. "Wala akong load. E kung niloloadan mo ako palagi, edi sana natawagan na kita o di kaya natext." sagot naman nung lalaki. Napag isip isip ko na, ba't di na lang niya loadan yung sarili niya? Hihintayin pa niyang loadan siya ng girlfriend niya? Tsk. Nakakturn-off si Kuya.
Pumunta na ko sa counter para magbayad. Tumingin ako dun sa area na kinaroroonan nung mag syota. Laking gulat ko nung nakita kong yung lalaki pala na yun ay yung cute na Kuya kanina. Pero sa tingin ko e, di naman maganda yung ugali nito ni Kuya, parang 'user' ba. 'Di ko masyadong mamukaan yung girlfriend niya, naka side view kasi, pero parang familiar yung itsura niya.
Palabas na ako ng bookstore nang biglang may nakabangga sa'kin. Yung girlfriend pala ni Kuyang cute. Hindi ko masyadong napansin ang itsura nya, pero nakita kong parang ang lungkot niya, at parang pa-luha na. "Ay ate, sorry po." sabi niya sa akin at madaling umalis. Napag isip isip ko na siguro matindi nga yung awayan na nangyari sa dalawang yun kanina.
Habang nasa biyahe ako papuntang school, bigla kong naalala yung naging malapit sa'kin na kaibigan ko dati. Hindi ko masasabing naging bestfriends kami, pero, para sa'kin, siya ang naging pinaka matalik kong kaibigan. Halos lagi kaming magkasama dati nung mga bata pa lang kami, ang saya. Ang sarap balik balikan. Nako, ayokong ngumiti, baka kung ano ang isipin ng mga tao dito sa jeep. 30-40 minutes pa ang biyahe. Matagal tagal pang 'reminiscing' ito.
Nagkakilala kami nung lumipat kami sa subdivision na tinitirhan nila. 5 years old ako, siya naman 4. Pero parang mas matanda pa siya kesa sa'kin, siya kasi ang mapag alaga sa akin. Maraming beses na din kaming nag-away, pero nagkakabati din naman kami kaagad. Madalas kaming mag agawan sa mga candy na red, pareho kasi naming favorite ang color red. Kahit anong red na bagay ay kinokolekta namin. "Manong, para ho!" tsk. Muntik na naman ko lumampas sa bababaan ko.
"Bakit parang di ako mapakali ngayon?" yan ang sabi ko sa sarili ko mula nung pagbaba ko jeep. Para bang di ako mapakali na parang ninenerbyos. Parang feeling ko may mangyayari mamaya.
"Natapos ba natin i-discuss yung lesson kahapon?"
"Opo, Sir!"
"Ok. Seatwork tayo ngayon, madali lang 'to. Sa 1 whole yellow paper."
"Ehhh? Sir naman!"
"Madali lang, promise."
"Uy uy. Pengeng papel."
"Sinong may papel? Pahingi naman."
Hay nako, buti na lang bumili ako ng papel kanina. Hahaha. "O ayan, ayan. Pasalamat talaga kayo mabait ako."
Hmm? Kinakabahan pa rin ako? Bakit kaya? Buti na lang walang assignment, makaka tulog ako ng mahimbing ngayon. "Anak?! Naiwan mo yung cellphone mo dito sa baba! May tumatawag sa'yo, sagutin ko ba?" Nagulat ako sa boses ni Mama, "Sino po natawag Ma?"
"Walang pangalan e, number lang."
"Ako na lang sasagot Ma."
"Magkita tayo bukas sa school. 10AM." Eh? Sino yun? Boses babae. Pano niya nalaman number ko? Ano ba yan? Lahat ng kaba ko buong araw, nauwi lang sa ganto? Ano, prank call? Tsk. Tsaka may klase ako ng 10AM bukas.
"Uy Jaemie! Bakit di ka pumasok kanina?"
"Late na kasi ako nakarating e. Pumunta kasi kami kagabi sa bahay ng Tita ko, kaninang umaga lang kami nakauwi. Oo nga pala, may naghahanap sa'yo kanina. 'Di niya na sinabi pangalan niya, basta sabi niya magkita na lang daw kayo sa entrance mamaya."
"Hala. Sino kaya yun?"
Nagpasama ako sa mga kaibigan ko sa entrance ng school namin. Ang daming tao, karamihan mga incoming freshmen. At mukang mga di pa handang mag college, kasama pa nila ang Mama at Papa nila. Pero dun sa isang table sa labas, sa tambayan, may nakaupo na babae, walang kasama. "Uy uy! Ayun yung naghahanap sa'yo oh."
Ohhh. Ang ganda naman niya. Teka, ba't niya kaya ako hinahanap? "Uy, 'tong mga 'to talaga eh. Samahan nyo naman ako dun."
Sandali nga, hindi ba't siya yung girlfriend nung Kuya na nakita ko sa bookstore kahapon? Bakit niya kaya ako hinahanap? Teka, ba't parang kinakabahan ako?
"A-Ano, hinahanap mo daw ako kanina?"
"Ikaw si Rachelle?"
"Oo. Bakit?"
"'Di mo ba ko namumukaan? Ako 'to, si Mae."
"Mae?"
"Mae Pamonis."
"Parang familiar pangalan mo pero sorry, di po kita kilala."
"So talaga ngang kinalimutan mo na 'ko."
"Eh?"
"Naging magkaibigan tayo nung bata pa tayo no. Mas matanda ka lang sa'kin ng isang taon."
"Ah! Ikaw!"
"Oh, bakit?"
Ewan ko ba kung bakit, pero bigla na lang akong napaluha. Siguro kasi, pagkatapos ng hindi ko alam kung ilang taon na ang nakalipas, nakita ko ulit ang pinaka matalik kong kaibigan.
"Oo nga pala. Dito na ako mag-aaral next sem. Tsaka nagkita na tayo kahapon no. Haha."
"Saan?"
"Doon sa booktstore. Talaga ngang di mo ako namumukaan e no? Tsk."
"Eh? Kaya pala parang..."
"Hmm?"
"Kayo yung nag-aaway kahapon doon?"
"Oo. Pero nakipag break na ko sa boyfriend ko. Ginagamit lang naman ako nun e."
"Oo nga. Tama yun."
"7 months lang naging kami. Nang makalipas ang 2 months, saka ko lang nalaman na ginagamit niya nga lang ako."
"Panong ginagamit?"
"Parang... kapag may pupuntahan kaming birthday party ng kaibigan namin, sa una, ipapakilala niya ako sa mga kaibigan niya, tas maya maya di niya na ako papansinin, kaya nagmuka tuloy akong aso na sunud sunuran sa amo kahit san magpunta. Tapos minsan pa, mas gusto niya na ako pa ang magpapaload sa kanya, wala daw kasi siyang pera, e halos palagi nga siyang gumagala at hindi pa sinasabi kung saan siya pupunta kaya ako naman 'tong palaging nag-aalala. Pero nung una, mahal na mahal ko talaga siya, mahal niya rin naman ako, pero mukang habang tumatagal e, nawawala feelings niya para sa'kin. Nung isang beses na pumunta kami sa party ng kaibigan niya, doon ko nakilala yung dalawang ex-girlfriend niya. Pareho nilang sinabi na user nga talaga yung lalaking yon. Napaka sweet sa una, pagdating sa mga sumunod na buwan, lalabas na ang tunay na ugali niya. Isang beses pa daw, pinahiya niya siya sa harap ng maraming tao, yun ang dahilan kung bakit sila nag break. Nakakainis. Ayoko na nga maalala yung lalaki na yun."
"Tama na kasi ang pagkwento. Haha. Sandali nga, edi ibig sabihin, ikaw yung tumawag sa'kin kagabi. San mo naman napulot number ko?"
"Edi sa mama mo. Dumiretso ako sa bahay nyo pag-alis ko sa mall kahapon e. Haha!"
"Siguro naman, bestfriends pa rin tayo ngayon?"
"Oo naman!"
Ako nga pala si Rachelle Kitapis. Simula nung lumipat ng bahay ang sila Mae, naging malungkot ako. Hindi na ako masyadong lumalabas ng bahay. Siguro dahil kasi siya lang ang gusto kong makalaro dati. Wala na akong balak alamin ang dahilan kung bakit lumipat sila Mae ng bahay dati. At hindi ko inaakala na best friend na pala ang turing niya sa'kin dati pa. At least ngayon, masaya na ako kasi muli kong nakasama ang best friend ko. Wala nang mas hihigit pa sa samahan naming dalawa.
First time kong gumawa ng istorya, kaya pasensya na kung di niyo masyadong nagustuhan, o di kaya kasi pangit ang kinalabasan ng story. Haha. Critics are muchly accepted. I need to learn more about making a story. 
{ music } Fantastic Baby - Big Bang
{ book } Beelzebub manga
{ show } Miss A's Jia dance compilation
{ mood } restless
Friendship, Random, Story | Add a Comment
Yessss! Thank you Lord! Wala akong bagsak this term! ;D
Thank you Ma'am Rachelle, Sir Bart, Sir Bani, Sir Fermin. :D

{ book } Beelzebub manga
{ mood } sleepy
Yessss! It's already summer! Means only one thing... VACATION!!! Yaaaaay!
But it's raining. So much for my most awaited SUMMER VACATION. But yeah, instead of having a vacation, I'm going to take summer classes. It's in our curriculum, so it's required to take summer classes this year. Ahhhh, instead of enjoying the summer at home with my family and neighborhood friends, I am at school, studying with my college friends and professors. But it's alright, at least I can take up some courses that I haven't taken yet.
- IT111P (3 units)
- ENG013 (2 units)
- MATH012 (3 units)
- PHY015 (3 units)
- PHY015L (1.5 units; though not included in the total number of units)

{ show } MBLAQ - Hello Baby
{ mood } artistic
Friendship, Family, School, Personal Thoughts | Add a Comment




